Kung ikaw ay may mallit na Negosyo dito sa
Pilipinas, o di kaya naman ay nagbabalak magtayo ng Negosyo o Business. Dapat
mong alamin ang ilang importanting mga bagay paano ang tamang pagnenegosyo.
Ang mga sumusunod ang basic na dapat gawin
para sa maunlad na negosyo.
- May Puhunan
- Tamang pag-aaral o kaalaman tungkol sa Business na gustong gawin. “Feasibility Study”
- Pagrerehistro, Permit at mga lisensya
- Pamamahala o Management
- Accounting at mga Pag-uulat na pinansyal “Financial Report”
- Pagbubuwis o Tax Compliance
May puhunan o “capital” maaaring ito ay galing sa matagal na pag-iipun o kaya naman ay galling sa kamag-anak, o pwede rin na Loan ito mula sa mga bangko o iba pang mga Financial Institution na nagpapautang o kaya naman ay pautang mula sa mga proyekto ng gobyerno o pamahalaan.
Kung mayroon ka nang idea sa gusto mong business o negosyo, mahalaga pa rin mayroon kang malawak na pag-aaral tungkol dito. Tulad ng kung paano ito simulan, location kung saan ang tamang lugar, sino ang mga target na customer, suppliers at marami pang iba.
Pagrerehistro,
kung ready na tayong simulan ang planong negosyo;,
mahalagang irehistro muna ito sa Deparment of Trade and Industry-DTI kung Sole
proprietor, at sa Securities and Exchange Commision-SEC, naman kung
Corporation.
Sapagkat para lamang sa maliliit na negosyong
pinoy ang topic na ito, hindi natin tatalakaying ang anumang tungkol sa
Corporation.
Mahalagang ipinaparehistro sa DTI ang
business name upang maiwasan ang pagkakapareho sa mga pangalan ng business sa
buong Pilipinas.
Kung mayroon ka nang DTI certificate, pwede
ka nang kumuha ng business permit to
operate sa lugar kung saan mo gusto itayo ang negosyo mo.
Kailangan din i-register sa Bureau of
Internal Revenue-BIR ang business, para sa pagbubuwis.
Pamamahala
o Management, pagkatapos mo gawin ang mga steps
bago ang pagsisimula ng business, ngayun ready ka na “Open for Business” na ang
negosyo mo, ang pamamahala at pagpapa-unlad nito ay nakasalalay sa mahusay na
diskarte mo bilang may-ari.
Accounting,
nakapaloob sa
accounting ang tamang pagpapahalaga sa
lahat ng mga kaganapang may kinalaman sa pananalapi o pinansyal ng isang
negosyo.
Ano nga ba ang ACCOUNTING?
Ang pinaka-matandang definition ng ACCOUNTING,
na alam ko bilang accountant at memorized ko pa hanggang ngayon.
Accounting is
"the art of recording, classifying and summarizing in a significant manner
and in terms of money, transactions and events which are, in part at least, of
a financial character and interpreting the results thereof"
Kung ako ang magbibigay ng kahulugan nito
sa tagalog ito ay;
Ang accounting ay
"ang sining ng pagtatala, pag-uuri at pagbubuod sa makabuluhang pamamaraan
at pagtalakay sa mga tuntunin at mga transaksyon na may kinalaman sa pananalapi,
mga kaganapang may lakip na pinansiyal na katangian at pagbibigay-kahulugan sa
mga resulta nito"
Kung babasahin sa tagalog, mahirap pa rin intindihin
kaya para sa lahat, ang pinakasimpleng pwede kong ibahagi na definition ng
accounting sa tagalog ay “Pagku-kwenta o pagtutuos ”.
Pagku-kwenta
o pagtutuos kasama ang mga proseso ng pare-record, pagsukat,
at pagbabahagi sa pamamagitan ng mga report na pinansyal at iba pang
impormasyon tungkol sa negosyo.
Ang “Accounting” ay profession? Bilang
Business owner kailangan ko ba talaga gawin ito?
Ang sagot ay, Oo, sapagkat kahit gaano man kaliit ang isang negosyo, bilang may-ari, dapat alam natin kung magkano ang kinikita
nito, o kung ito ba ay nalulugi. Kaya nga sa mga tulad natin na may maliit lang na negosyo simple lang ang
kailangan marunong tayo mag-kwenta.
Pagbubuwis
o Tax Compliance, mga dapat bayaran sa gobyerno. Napakahalaga
na malaman ng mga business owners ang mga panuntunan ng pagbubuwis, o TAX
COMPLIANCE, kung hindi ito masusundan ng tama, ito ay maaaring maging isa sa
mga dahilan sa pagsasara ng negosyo. Sapagkat ang pagbubuwis ay tungkulin ng
bawat mamamayan, ang mga alituntunin nito ay nakasaad sa batas at ang pagsuway
sa batas ay may mga kalakip na kaparasuhan o penalties.
Dapat tandaan. Ang Tax na dapat babayaran ay yun lamang may tamang basehan na sinusuportahan ng mga transactions receipts at nai-record sa books of accounts upang maiwasan ng mga under declaration na maari din namang makita ng mga examiner ng BIR kung mag- Audit ang mga ito.
Marami pa tayong dapat malaman tungkol sa
accounting at tax compliance kaya abangan nyo pa ang mga topic ko tunkol dito.
ELEDGER BOOKKEEPING AND ACCOUNTING SERVICES:
Our Services: Bookkeeping and Accounting , Tax Compliance
Business Registrations : DTI, SEC, BIR, Mayor's Permit, SSS,
PHI,, HMDF-Pagibig, Send us Email elbas.main@gmail.com