Ang Income Tax Return - ITR ay isa sa mga pangunahing hinahanap kung nais natin mag-loan sa bangko o kahit sa iba pang mga Financial Institutions o Lending company.
Dahil ang ITR ang magpapatunay na tayo at may Source of Income at nakapagbayad ng katumbas na Buwis o Tax mula rito. Mula rin sa ITR makikita ang magiging kakayahan natin na mabayaran ang loan na gusto nating makuha.
Ngunit dapat natin tandaan na magkakaroon lamang tayo ng ITR kung tayo ay may kinita mula sa Trabaho, Negosyo o Business at kung may ibang pinagkakakitaan mula sa mga special skills na meron tayo.
Dapat din tandaan na dahil ang pagbabayad ng buwis ay tungkulin ng isa mabuting mamamayan, ang mga panuntunan nito ay pinagtibay at ginagabayan ng mga BATAS na ipinatutupad ng Bureau of Internal Revenue - BIR.
Ang mga ITR forms tulad ng mga sumusunod ay ginagamit upang maipakita ang mga naging batayan ng binabayaran na INCOME TAX.
- 1700 o katumbas na Tax Certificate BIR Form 2316 - para sa mga individual na may trabaho at Employer
- 1701 - para sa may iba't ibang pinanggagalingan ng kita o income
- 1701A - para sa mga may kinita mula sa pagnenegosyo o business.
- 1702 - para sa mga Corporation at iba pang mga kompanya na nabuo sa pamamagitan ng batas.
Tandaan ang mga forms na ito ay mula sa BIR, pag ito ay ating ginamit at mai-file sa BIR ito ay nagiging Public Document kung kaya pwede na itong gamitin sa mga legal na pangangailangan, tulad ng pagkuha ng loans.
Hindi pwedeng gamitin ninuman ang mga ITR forms na nabanggit kung walang basehan na kita o walang pinangagalingan ang mga nakasaad dito.
Mahalaga na may tatak ng BIR ang ITR bago ito magamit sa iba't-ibang pamamaraang legal.
Ang tatak ng BIR ang magpapatunay na ang ang ITR na ipini-present natin ay OFFICIAL at may katumbas na kopya na tinanggap ng BIR.
Hindi naman ibig sabihin na hindi na tayo pwede mag-apply ng loan kung wala tayong ITR. Maari pa rin tayo mag loan, subalit mababang halaga (Small Personal Loan) lamang ang maaarin nating ma-loan. Karaniwang proof of income lamang ang kailangan, maliban sa mga personal na detalye.
Ang mga Minimum Wage Earners, MWE ay exempted sa sa pagbabayad ng Income Tax at hindi na kailangan mag-file ng ITR, pwede pa rin sila mag-avail ng loan gamit ang BIR form 2316, Certificate of Withholding, na ibinibigay ng mga employer tuwing natatapos ang taon
Kung nais ninyo ng mga gabay o tulong para makapag-loan mula sa iba't ibang Financial Institutions kung ito man ay Personal Loan, Business o Housing Loan. Mag email lamang kayo sa amin;
Kami ay handang tulungan kayo.
No comments:
Post a Comment